Wednesday, December 15, 2010

ANG TUNAY NA LIDER AY DAPAT


  • · Kilalanin ang Sarili, Paunlarin ang kakayanan bilang Lider;
  • · Mahusay Gumampan ng Tungkulin;
  • · Panagutan ang anumang Ginawa;
  • · Gumawa ng Wasto at Napapahanong Pagpapasiya;
  • · Maging Halimbawa sa mga Kasapi at Komunidad;
  • · Kilalanin ang mga Kasapi at Gumawa ng hakbangin para sa kanilang kagalingan at Kabutihan;
  • · Tiyakin nabibigyan ng Tamang Impormasyon ang mga Kasapi;
  • · Turuan ang mga kasapi na maging responsible sa Samahan;
  • · Tiyakin na ang mga Tungkulin at Gawain ay nauunawaan at natatapos;
  • · Magsanay na gumawa bilang isang Team/Grupo;
  • · Gamitin ang Buong kakayahan ng Samahan para sa katuparan ng mga Layunin nito.

ANG MAHAHALAGANG DAPAT TANDAAN NG TUNAY NA LIDER


The six most important words:
"I admit I made a mistake"
The five most important words:
"You did a good job"
The four most important words:
"What is your opinion"
The three most important words:
"If you please"
The two most important words:
"Thank you"
The one most important word:
"We"
The least important word:  
"I"

"Ang mga seryosong pamumuno ay hindi katulad ng Kabute na sumusulpot at lumalabas lamang sa panahon ng tag-ulan. Ang taong desididong mamuno ay hindi tumitigil na mag-aral at magsanay sa sarili bilang Lider"

"Ang mga seryosong pamumuno ay hindi katulad ng Kabute na sumusulpot at lumalabas lamang sa panahon ng tag-ulan. Ang taong desididong mamuno ay hindi tumitigil na mag-aral at magsanay sa sarili bilang Lider".

PARTICIPATIVE LEADERSHIP

ANO ANG PARTICIPATIVE LEADERSHIP?
Ang Participative Leadership ay isang estilo ng pamumuno na isinasangkot ang lahat ng mga kasapi ng isang organisasyon para sa pagtatakda ng mahahalagang tunguhin at pagbuo ng mga pamamaraan o estratehiya para maabot ang mga naitakdang layunin. Mula sa ganitong pananaw, ang participative leadership ay makikita ang isang estilo ng pamumuno na ang pangunahing tungkulin ay nakatuon sa paggabay sa halip na nag-uutos lamang o nagbibigay ng mga dapat gawin.

Ang ganitong estilo ng pamumuno ay mabisang gamitin sa mga Samahan sa komunidad, Boluntaryong Organisasyon at iba pa.

ANO ANG PAKINABANG O IMPORTANSYA NG PARTICIPATIVE LEADERSHIP?
Dito natutuklasan at nakikita ang mga bagong kasanayan, karanasan, at pagiging malikhain ng mga kasapi ng Samahan. At nakikita ang husay at kapangyarihan ng maraming utak na nag-iisip.

Dama ng bawat kasapi na ang bawat isa ay mahalaga sa bawat isa. Kung ang mga kasapi ay sinasangguni at isinasali sa mga diskusyon at proseso ng mga desisyon. Ito ay nagri-resulta na ang mga kasapi ay lalong nagtitiwala sa kanilang Lider at nagbibigay ng pagkakataon para matukoy kung sino ang posible at pwedeng sanayin para maging Lider sa hinaharap na panahon.

Nailalabas ang talento ng bawat kasapi. Nanghihikayat ng mga kasapi para sa aktibong pakilahok sa mga gawain ng Samahan.

Nakakapagsulpot ng maraming solusyon sa suliranin na maaaring pagpilian. Tinatanggap ng mga kasapi ang mga solusyon na kanilang ginawa, kung saan ang mga kasapi ay lalong nagiging responsable sa Samahan.

Naglalaan ng pagkakataon sa mga kasapi para magkaisa at sama-samang nagsisikap na marating ang iisang layunin.

By: Warren Bennis

A new leader has to be able to change an organization that is dreamless, soulless and visionless ... someone's got to make a wake up call.
I used to think that running an organization was equivalent to conducting a symphony orchestra. But I don't think that's quite it; it's more like jazz. There is more improvisation. — Warren Bennis
Ang Konsepto ng Leadership
    Ang Mabuting lider ay ginagawa hindi ipinanganak. Kung ikaw ay may pagnanais at kagustuhan, ikaw ay maaari maging isang epektibong lider. Ang Mabuting lider ay hinuhubog sa pamamagitan ng tuloy-tuloy at walang katapusang proseso ng pag-aaral, edukasyon, pagsasanay, at karanasan (Jago, 1982).
Para magkaroon at mabigyan ng inspirasyon ang inyong mga kasapi sa mas mataas na antas ng pagkakaisa at pagtutulungan, may mga bagay na dapat mayroon ang isang Lider, ito ay ang mga kaalaman at kasanayan at dapat alam ng isang Lider ang kanyang mga dapat gawin para sa kagalingan ng mga kasapi at buong komunidad. Ang mga bagay na ito ay hindi kusang dumarating o natural lamang, ito ay nakukuha sa pamamagitan ng patuloy na pagsisikap at pag-aaral. Ang tunay na lider ay patuloy na gumagawa ng mabuti sa kasapian at pag-aaral para mapahusay ang kanyang mga kasanayan sa pamumuno. Ang tunay na lider ay hindi nasisiyahan sa kanyang mga personal o pansariling kapakinabangan o tagumpay lamang.
Kahulugan ng Pamumuno (Leadership)
The meaning of a message is the change which it produces in the image. Kenneth Boulding in The Image: Knowledge in Life and Society
Leadership ay isang proseso kung saan ang isang tao ay nag-impluwensya sa ibang tao o grupo ng mga tao na gawin ang isang mga bagay-bagay at pinamamahalaan ang organisasyon sa isang paraan mapagkaisa, mapangahas at diterminado. Ang kahulugang ito ay katulad sa Northouse's (2007, P3): Leadership ay isang proseso kung saan ang isang tao ay nagiimpluwensya sa grupo ng mga tao para makamit ang isang pangkahalatang layunin.
Ang Lider ay ginagawa ang proseso ng pamumuno sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga kaalaman at kasanayan tungo sa kagalingan ng buong Samahan at hindi sa pansariling kapakinabangan lamang. (Jago, 1982).
Ang isang tunay na Lider ay dapat magkaroon ng isang matapat na pag-unawa at pagkilala sa sarili; kung ano ang alam at kung ano ang kayang gawin ng isang lider para sa kapakanan ng Samahan at ng Kapwa. Tandaan na ang mga tagasunod, hindi ang pinuno o ang ibang tao ang tumutukoy kung sino ang tunay na lider. Kung ang mga kasapi ay walang tiwala o kulang sa tiwala sa kanilang lider, ang mga kasapi ay hindi pursigido na sumunod sa namumuno.
Upang maging mahusay na Lider dapat kumbinsihin ang mga kasapi, hindi dahil sa iyong sarili o sa pagiging superyor, kundi sa kawastuhan ng inyong gagawin para sa kagalingan ng mga kasapi at hindi sa kagalingan at kapakinabangan ng sarili.
Ang tunay na Lider ay ibinabahagi ang kanyang buong kaalaman at kasanayan sa kapwa, hanggang sa dumating sa yugto na mas mahusay pa ito sa kanyang Lider.

Friday, December 3, 2010

Basic Q & A on the Magna Carta for Homeowners and Homeowners' Association

This Primer is based on Republic Act No. 9904
(An Act Providing for a Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations, and for Other Purposes)

What is the Declaration of Policy for this new law?
According to Section 2 of RA 9904, in fulfillment of the constitutional principles directing the State to encourage, promote and respect non-governmental, community-based and people’s organization inserting their legitimate collective interests in our participatory democracy, it is hereby declared the policy of the State to uphold the rights of the people to form unions, associations, or societies,and to recognize and promote the rights and the roles of homeowners as individuals and as members of the society and of homeowners’  associations. To this end, the State shall endeavor to make available resources and assistance that will help them fulfill their roles in serving the needs and interests of their communities in complementing the efforts of local government units (LGUs) in providing vital and basic services to our citizens,and in helping implement local and national government policies, programs, rules and ordinances for the development of the nation.

Thursday, December 2, 2010

IMPLEMENTING RULES AND REGULATION OF R.A 9904

RULES AND REGULATIONS IMPLEMENTING
REPUBLIC ACT NO. 9904

Pursuant to Section 28 of Republic Act No.9904, the following Implementing Rules and Regulations of the Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations are hereby promulgated.

Rule 1
Preliminary Provisions

Section 1. Title - These Rules shall be known as the Implementing Rules and Regulations of RA 9904 (IRR - RA 9904). read more...

Wednesday, December 1, 2010

MAGNA CARTA FOR HOMEOWNERS AND HOMEOWNERS’ ASSOCIATIONS | Republic Act No. 9904

Republic of the Philippines
CONGRESS OF THE PHILIPPINES
Metro Manila
Fourteenth Congress
Third Regular Session
Begun and held in Metro Manila, on Monday, the twenty-seventh day of July, two thousand nine.
Republic Act No. 9904
AN ACT PROVIDING FOR A MAGNA CARTA FOR HOMEOWNERS AND HOMEOWNERS’ ASSOCIATIONS, AND FOR OTHER PURPOSES
read more....