Wednesday, December 15, 2010

PARTICIPATIVE LEADERSHIP

ANO ANG PARTICIPATIVE LEADERSHIP?
Ang Participative Leadership ay isang estilo ng pamumuno na isinasangkot ang lahat ng mga kasapi ng isang organisasyon para sa pagtatakda ng mahahalagang tunguhin at pagbuo ng mga pamamaraan o estratehiya para maabot ang mga naitakdang layunin. Mula sa ganitong pananaw, ang participative leadership ay makikita ang isang estilo ng pamumuno na ang pangunahing tungkulin ay nakatuon sa paggabay sa halip na nag-uutos lamang o nagbibigay ng mga dapat gawin.

Ang ganitong estilo ng pamumuno ay mabisang gamitin sa mga Samahan sa komunidad, Boluntaryong Organisasyon at iba pa.

ANO ANG PAKINABANG O IMPORTANSYA NG PARTICIPATIVE LEADERSHIP?
Dito natutuklasan at nakikita ang mga bagong kasanayan, karanasan, at pagiging malikhain ng mga kasapi ng Samahan. At nakikita ang husay at kapangyarihan ng maraming utak na nag-iisip.

Dama ng bawat kasapi na ang bawat isa ay mahalaga sa bawat isa. Kung ang mga kasapi ay sinasangguni at isinasali sa mga diskusyon at proseso ng mga desisyon. Ito ay nagri-resulta na ang mga kasapi ay lalong nagtitiwala sa kanilang Lider at nagbibigay ng pagkakataon para matukoy kung sino ang posible at pwedeng sanayin para maging Lider sa hinaharap na panahon.

Nailalabas ang talento ng bawat kasapi. Nanghihikayat ng mga kasapi para sa aktibong pakilahok sa mga gawain ng Samahan.

Nakakapagsulpot ng maraming solusyon sa suliranin na maaaring pagpilian. Tinatanggap ng mga kasapi ang mga solusyon na kanilang ginawa, kung saan ang mga kasapi ay lalong nagiging responsable sa Samahan.

Naglalaan ng pagkakataon sa mga kasapi para magkaisa at sama-samang nagsisikap na marating ang iisang layunin.

No comments:

Post a Comment