Vision and Mission


PANGARAP...
“Ang naninirahan ay nagkakaisa at may malasakit sa kapwa para sa Mapayapa at Tahimik na pamayanan. May malasakit sa Kalikasan na maaaring pamarisan sa buong Marikina”
TUNGKULIN...
“Ipadama sa bawat kasapi ang Importansya ng Samahan at malalim na ipaunawa sa bawat-isa ang kanilang tungkulin at karapatan sa Samahan.
Magsagawa ng mga proyektong makakatulong tungo sa kaayusan ng mga naninirahan sa nasasakupang.
Tiyakin ang masiglang partisipasyon ng bawat kasapi sa lahat ng Aktibidad ng Samahan.
LAYUNIN:
Organisahin ang Samahan kungsaan ang bawat kasapi ay aktibong lumalahok sa pamamahala at pagpapatupad ng mga programa at plano;
Maglunsad ng tuloy-tuloy at malawakang pagsasanay para sa Epektibong pamamahala ng Samahan. Edukasyon, Pagsasanay sa mga kasapi para sa malalim na pag-unawa, kaalaman, kaugalian sa pagpapahalaga sa Samahan;
Magsagawa ng mga pagsasanay para sa pagtulong sa buong komunidad sa panahon ng kalamidad at iba pang mga sakuna.
Magsagawa ng mga proyektong pang-komunidad para sa kagalingan at kapakanan ng mga kasapi;
Magsagawa ng mga pang-pinansyang proyekto para ilaan sa mga programa ng Samahan.
Tiyakin ang isang malinaw na panuntunan o sistemang pang-pinansya, upang wastong magamit ang pondo ng Samahan;
Isagawa ang mga hakbangin tungo sa palilipag-alyado sa ibang Samahang pang-komunidad.